Labor agreement para sa mga OFW, Chinese worker isinulong

Labor agreement para sa mga OFW, Chinese worker isinulong

Iminungkahi ng isang kongresista na magkaroon ng bilateral agreement ang Pilipinas at China sa isyu ng mga manggagawang Pinoy at Chinese.

“A comprehensive labor pact or even a set of different documents would be great additions to the already rich roster of bilateral agreements between the Philippines and China,” ayon kay 1-Ang Edukasyon Party-list Rep. Salvador Belaro.

Binanggit ni Belaro na noong Abril 2018 ay pumirma na ang Pilipinas at China sa isang Memorandum of Understanding hinggil sa pag-empleyo ng mga Filipino teacher para magturo ng wikang Ingles sa China.

Ang naturang MOU na nilagdaan sa Boao, China ay mainam na aniyang panimula para sa pagbalangkas ng kasunduan para sa mga manggagawa ng dalawang bansa.

“A migrant labor executive agreement or even treaty would protect the welfare of OFWs in China, assure reciprocity, and solidify people-to-people contacts between our two countries,” paliwanag ni Belaro.