Par for the course na ‘yang rallies kapag Labor Day tulad ng nangyari sa Quezon Memorial Circle kahapon. Syempre pa, steam must be let off dahil kahit saang bansa naman ay laging may labor issues na kailangang i-ventilate.

Anyway, base sa latest Social Weather Station (SWS) survey ay nasa 22.9 percent ang adult joblessness rate sa bansa noong Marso.

Ang nasabing figure ay mas mababa ng 2.2 percent sa 25.1 percent joblessness rate noong December 2016. Well, this is a piece of good news and let’s hope mas bumaba pa ang bilang ng walang trabaho sa bansa.

Focus on infra

In terms of local jobs, ang mantra daw ng gobyerno ay “Build, Build, Build” para magsulong ng infrastructure programs tulad ng mga kalsada, tulay, atbp.

Right now, ang gobyerno ang No. 1 employer sa bansa at ang bilang ng iniempleyo ng gobyerno indirectly through government projects ay asahan nating tataas pa.

After all, ang plano raw ay ang tanghalin ang susunod na limang taon bilang ‘Golden Age of Infrastructure’ pati na sa bilang ng airport projects na pasisimulan at tatapusin.

Added sacrifice

Para sa OFWs, extra special ang Labor Day lalo pa’t may karagdagang sakripisyo ang pagtatrabaho sa labas ng bansa.

Ilan lang sa inherent difficulties ng OFWs ang kalungkutan sa pagtatrabaho malayo sa pamilya, pakikibagay sa ibang nationalities na katrabaho at pag-a-adjust sa batas, labor regulations at kultura ng host countries.

Iba’t iba rin ang labor conditions na umiiral para sa OFWs — may maganda, may hindi maganda at para sa undocumented workers na “kapit na sa patalim” may totally exploitative.

Work in progress

Last time ay napag-usapan natin ang na-shelve na ASEAN declaration on the protection of migrant workers. Well, all is not lost naman daw at isasalang pa rin for approval ang nasabing dokumento sa ASEAN Leaders’ Summit sa November.

Work in progress daw ang dokumento na orihinal na isinulong ng Indonesia at Pilipinas, dalawa sa sampung miyembro ng ASEAN na maraming migrant workers sa mundo.

Let’s cross our fingers na maipasa ng ASEAN ang agreement na ito para sa protection ng migrant workers.

Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.