Huwag nang asahan ang Kongreso sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections postponement.
Tugon ito ni Lacson sa binigay na deadline ng Commission on Elections (Comelec) sa Kongreso na magpasa ito ng batas sa loob ng dalawang linggo para sa pagpapaliban ng halalan.
Ayon kay Lacson, halip na umaasa sa Kongreso ay paghandaan na lamang ng Comelec ang nakatakdang Barangay at SK elections.
Ayon sa senador, alam naman ng Comelec na may darating na halalan kung kaya’t nararapat na paghandaan ito.
Hindi umano dapat na maghintay at dumepende pa ito sa Kongreso na magpasa ng batas para sa panibago na namang pagpapaliban ng halalan.
Tinawag pa nitong ‘deadliest assumption’ ang paghihintay at pagdepende ng Comelec sa Kongreso para sa pagpapaliban ng halalan.
“Comelec should have prepared earlier knowing the new schedule of the barangay polls.
Relying on Congress to pass a legislation for yet another postponement is the ‘deadliest assumption’ they could depend on,” ayon kay Lacson.
Naunawaan naman ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagbibigay ng Comelec ng deadline.
Ngunit giit ng senador na ibang usapan na kung muling ipagpaliban pa ang halalan.