Lacson sa DOJ: Wala kayong ‘K’ gawing testigo si Napoles

Wala sa Department of Justice (DOJ) kundi nasa korte ang ­desisyon kung aalisin si pork barrel Queen Janet Lim Napoles bilang akusado sa PDAF scam at maging testigo.

Ito ang ipinaliwanag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson bilang reaksyon sa pagsasailalim kay Napoles sa Witness Protection Program (WPP).

Ipinaliwanag ni Lacson na ang Ombudsman at hindi ang DOJ ang prosecutor sa kaso ni Napoles sa Sandiganbayan kaya’t walang kontrol ang ahensya sa pagdedeklara ng pagiging state witness.

Kahit anya ang DOJ pa ang prosecutor sa kaso ay ang korte pa rin ang maglalabas ng desisyon kung ide­deklarang testigo si Napoles.

“What is interes­ting in this move of the DOJ is, who Ms. Napoles will implicate who have not been investigated and charged yet,” diin naman nito.

Samantala, hinikayat ni Senador Sonny­ Angara ang DOJ na busisiing maigi ang mga critieria para maging kuwalipikado sa Witness Protection Act dahil ito anya ay provisional pa lamang na tinatanggap sa programa.

“First is the testi­mony absolutely ne­cessary. Second, there is no other direct evidence available. Third, the witness’ testimony can be corroborated. Fourth witness is not the most guilty. Fifth witness has no previous convictions,” giit ni ­Angara.