Mga laro ngayon (FilOil Flying V Arena)
9:00 a.m. — San Beda vs. Mapua (m)
10:30 a.m. — San Beda vs. Mapua (w)
12 noon — Perpetual vs. JRU (w)
1:30 p.m. — Perpetual vs. JRU (m)

Kailangang walisin ng Perpetual­ Help ang dalawang natitirang laro para makasiguro ng playoff sa Final Four ng 92nd NCAA women’s volleyball tournament.

Nasa pang-anim na puwesto ang Lady Altas kapit ang 4-3 card, makakatapat nila ang tikwas nang JRU Lady Bombers ngayong tanghali sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.

Mapapalaban ang Perpetual sa kanilang huling asignatura sa January 25 kontra No. 2 Arellano University (7-1).

Ayon kay Perpetual coach Sammy­ Acaylar, focus muna sila sa JRU (3-5) na paniguradong maglalaro nang walang pressure.

“We have to take care of Jose Rizal first before we think of anything,” aniya­.

Palalakasin naman ng San Beda ang kapit sa magic four pagharap nila sa wala pang panalong Mapua (0-8).

Kasalo ng Red Spikers ang Lyceum sa fourth spot sa tig-5-3 records.