Magkasamang rumampa sa second spot ang La Salle at University of the East matapos birahin ang mga nakatunggali kahapon sa UAAP Season LXXIX women’s basketball sa MOA Arena.

Sumikwat sina Camille Claro at Jamie Ro­xas ng pinagsamang 26 points at pinana ng Lady Archers ang Adamson Lady Falcons 69-61.

Kumalawit si Love Sto. Domingo ng 18 markers at nine rebounds, tumipa si Eunique Chan ng 12 points at six boards para pangunahan ang pagsibat ng Lady Warriors sa Ateneo Lady Eagles 60-50.

May barahang 4-1 ang La Salle at UE, solo sa unahan ang NU na malinis sa apat na laro.
Walang naka-iskor ng double digits para sa Falcons, may tig-siyam na puntos lang sina Jamie Alcoy at Rose Rosario.

Umiskor si Hazelle Yam at Jollina Go ng tig-13 sa Lady Eagles, kabuhol ang Lady Falcons sa 2-3.