Lady Blazers pinasabog ang Baste

Pagiging kalma sa digmaan ang na­ging alas ng St. Benilde Lady Blazers na pinangunahan ni Marites Pablo upang hakbangan ang San Sebastian Lady Stags sa mabilisang, 25-18, 25-13, 25-17, sa NCAA Season 95 women’s indoor volleyball Martes nang hapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Angat sa limang dikit na panalo sa gayung dami ng laro ang Taft-based volleybelles 5-0, nginudngod ang Baste sa 0-5.

Nanguna sa paluan para sa Taft-based squad si Marites Pablo na pasabog ng 11 points habang ayuda ng 10 markers si Klarisa Abriam para sa samahan sa tuktok ang defending champion Arellano Lady Chiefs. (Aivan Episcope)