Lady Blazers solo-leader na

ncaa-benilde-mapua

Sinunggaban ng reigning titlist St. Benilde ang solo liderato matapos pabagsakin ang Mapua 25-10, 25-19, 21-25, 25-21 kahapon sa women’s division ng 92nd NCAA volleyball sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Kinalawit ni last year’s Finals MVP Jeanette Pa­naga ang 18 points kasama ang 13 kills at nilista ng Lady Blazers ang pa­ngatlong sunod na panalo.

Bago ang panalo, kasalo ng Lady Blazers ang San Sebastian, San Beda at Lyceum of the Philippines sa unahan ­kapit ang tigalawang ‘W’.

Galing sa come-from-behind wins ang unang dalawang laro ng St. ­Benilde.

Sa pangatlong laro ng Lady Blazers ay umarangkada agad sila sa unang dalawang sets sa pangu­nguna ni Panaga.

Samantala, pinagpag ng Arellano ang EAC 25-14, 25-11, 25-19 para itarak ang unang panalo­ matapos yumuko kay Grethcel Soltones at San Sebastian Lady Stags sa unang salang sa torneo.

Tumikada si Jovelyn Grace Prado ng 12 points, eight galing sa kills at four service aces, para sa Lady Chiefs.