Lady cop na suspek sa minurder na ret. PNP off’l sumuko

Teenager na runner ng droga nadakma

Sumuko mismo ang isang policewoman ng Solana Police Station (SPS) sa Cagayan noong Huwebes na suspek sa pagpatay umano sa kanyang mister na isang retired official ng Philippine National Police (PNP) noong Abril.

Kinilala ni SPS chief-of-police Police Capt. Junjun Bali ang sumukong lady cop na si PSSg. Marilou Alingog, nakatalaga sa SPS Women and Children’s Protection Desk (WCPD), ng nasabing bayan.

Sa inisyal na report, si Alingog ay inakusahang pumatay sa mister nitong si retired Police Lt. Col Danny Alingog. Nag-ugat umano ito sa isang love triangle.

Nalaman ni Gng. Alingog na ang kanyang mister ay may iba umanong babae kaya nagtalo ang mga ito.

Sa gitna ng bangayan ay kinuha umano ng policewoman ang kanyang service handgun at sinasabing binaril ang mister na ikinasawi nito.

Sa report, idinawit mismo ang suspek ng ina ng biktima at ilang kamag-anak nito.

Samantala, ipinasakamay na ng SPS sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Santiago City ang policewoman na kinasuhan ng murder ng mga kaanak ng biktima. (Allan Bergonia)