Lady Eagles dapo sa tuktok

Sinikwat ng Ateneo ang solo-lead nang takasan ang UP 52-51 sa UAAP Season 80 wo­men’s basketball tournament sa Smart-Araneta Coliseum kahapon.

Sumakay ang Lady ­Eagles sa 10 points at eight rebounds ni Cara Buendia para kumampay sa 2-0.

Nakipagsabayan ang Lady Maroons, nakapuwersa ng 10 lead changes bago tumukod sa dulo para malasap ang pangalawang talo sa gayunding dami ng laro.

Kinapitan ng UE ang 19 points at nine rebounds ni Eunique Chan para ­ilaglag ang FEU 59-56. Inakbayan ng Lady Warriors ang biktima sa 1-1.

Nagdagdag ng 12 markers at nine rebounds si Love Sto. Domingo, tumapos ng all-around performance na eight points, seven rebounds, six assists at three steals si Ruthlaine Tacula para sa Lady Wariors.

Bumawi ang last season’s 3rd placer UE sa pagkakadapa nito noong linggo sa three time defending champion na National University.

Sa kabila ng 29 points na pasabog ni Precious Arellado, hindi nasundan ng Lady Tamaraws ang 70-62 win kontra De La Salle sa kanilang season-opener.