Karumal-dumal ang naging huling sandali ng isang sinasabing magandang babae nang tadtarin ito ng saksak ng nag-iisang lady killer sa Brgy. Mantuyon, Mandaue City, Cebu.
Ayon kay PO2 Christian Avila ng Centro Police Station, ang biktima ay kinilalang si Christine Pepito, 22-anyos, na nagtamo ng pitong saksak sa katawan.
Sa report batay na rin sa paglalahad ng nakasaksi sa krimen na tumangging magpatukoy, isa ring babae ang may kagagawan sa krimen kung saan nakatira aniya ito malapit lamang sa Cebu International Convention Center.
Nadiskubre lang ang sinapit ng biktima nang makita ito ng kanyang kapatid na si Annabelle kung saan agad itong isinugod sa Mandaue City Hospital.
Kalaunan ay inilipat umano sa Vicente Sotto Memorial Medical Center si Pepito ngunit idineklara ring dead-on-arrival.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagkalap ng impormasyon ng mga pulis hinggil sa motibo at pagkakakilanlan ng itinuturong lady killer.