Lady official nagmumura ‘pag nakiliti

Hindi raw malaman ang gagawin ng mga staff lalo na ng security escorts ng isang lady ­official sa tuwing mayroong ­sibilyan na nagkakagulo sa kanilang amo.

Ang kuwento, dahil popular ang ating bida ay hindi talaga naiiwasan na pagkaguluhan ito tuwing magtutungo sa isang lugar.

Ang siste, natatakot ang mga tauhan ni Ms. Official kapag may lalapit sa kanya at magpapakuha ng litrato lalo na ang iba ay kumakapit pa sa beywang nito.

Eh paano ba naman daw ay sadyang malakas ang kiliti ni Madam.

At kapag nakiliti ito ay hindi na napipigilan ang pagmumura at hindi na inaalintana na isa siyang public official at ang mga kaharap ay mamamayan na kanyang pinagsisilbihan.

Clue: Madali nang hulaan ang ating bida dahil sadyang lagi na itong nakikita sa iba’t ibang lugar lalo na’t sumasabak ito sa natio­nal position. Ang ating bida ay may letrang S sa kanyang apelyido as in Solve na solve ang bawat isyu.