Nilikida ng mga hindi nakikilalang suspek ang dalawang babae pinaghihinalaang nalilinya sa pagtutulak ng ipinagbabawal na droga habang apat na lalaki naman kabilang ang isang AWOL na pulis ang nasawi sa serye ng buy-bust operation na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Maynila.
Natagpuang walang buhay at may tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang babae nasa edad 25-30 na ang isa ay nakasuot ng T-shirt, maong pants, at tsinelas habang ang isa naman ay naka jumpsuit na kulay itim jordan slippers, may tattoo na “hello kitty “ sa kanang braso at babaeng tattoo sa kaliwang braso.
Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District -Homicide Section alas- dos ng madaling-araw nang makita ng ilang dumadaan sa lugar ang mga duguang katawan ng mga babae sa may kalsada malapit sa Paco Park, Ermita, Maynila.
Sa kaugnay na ulat, palaisipan sa pulisya ang pamamaril sa isang babae ng naka-motorsiklong lalaki kahapon ng umaga sa Makati City.
Ang biktimang dead on the spot dulot ng tinamo nitong tama ng bala sa likod ay nakilalang si Lauren Kristel Rosales, 27, residente ng Sta. Ana Maynila.
Sa inisyal na report ng Makati Police, lumitaw na pasado alas-nuwebe ng umaga habang sakay ang biktima sa isang pampasaherong jeep na may plakang NVC 706 nang barilin ito ng hindi kilalang nakamotorsiklong lalaki sa may panukalan ng Reposo St., at J.P. Rizal ng naturang lungsod.
Napatay din ng mga elemento ng MPD-Police Station 1 ang dalawang pusher kabilang ang isang AWOL na pulis na si Bobby Orit at taga 1121 Lopez Jaena St.Paco, Maynila at Danilo Guevarra, alyas Kuba,taga Temporary Housing, Vitas. Tondo. Maynila dakong alas- dos din ng madaling-araw sa kahabaan ng Building 13, Temporary Housing, Vitas. Tondo, Maynila.
Ayon kay Police Supt. Redentor Ulsano, station commander ng MPD-PS1, ang mga nasawi ay kinilalang mga pushers na nasa drug watch list ng MPD-PS1.
http://www.esquiremag.ph/politics/butch-dalisay-war-on-drugs-a1574-20160919-lfrm Abante writers, Eralyn Prado, John Ray Villanueva, Juliet de Loza-Cudia, you should apologize to the victim’s family.