Lady Red Spikers nadale ang Lady Chiefs disgrasya!

Dinungisan ng last year’s runner-up San Beda University (SBU) ang defending champion Arellano University (AU) matapos hatawin ang 16-25, 25-17, 25-19, 18-25, 16-14 panalo kahapon sa 94th NCAA women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Dahil sa panalo ng SBU Lady Red Spikers, nagkaroon ng three-way tie sa top spot sa penultimate day ng single elimination round.

May tig-8-1 records ang College of Saint Benilde, San Beda at AU Lady Chiefs subalit nakopo ng CSB Lady Blazers ang No. 1 seeding papasok ng semifinals dahil sa superior tiebreak.

Kinapitan ng Mendiola-based squad si Nieza Viray sa opensa, nakapagtala ito ng 17 points kasama ang 16 attacks at 19 digs habang tumikada si skipper Cesca Racraquin ng 16 markers, 15 digs at 10 excellent receptions.

Makakalaban ng Taft-based volleybelles ang mananalo sa pagitan ng University of Perpetual Help System Dalta (5-3) at Jose Rizal University (4-4) habang katapat ng No. 2 seed Arellano ang No.3 ranked Beda sa Final Four na sisimulan sa Enero 22.

Samantala, kinahon ng Chiefs ang third seed sa semifinals matapos kalusin ang Red Spikers, 17-25, 25-22, 25-16, 25-16, sa men’s play ng 10-league school.