Hindi alam ng ating amuyong kung matutuwa o maiinis sa isang lady solon dahil sa pilit na pagsunod nito sa oras ng kanyang nakatakdang hearing.

Eto kasi ang eksena, halos isang oras bago matapos ang sinusundang hearing ni Madam ay dumating ito sa kuwarto kung saan din sya magsasagawa ng pagdinig.

Ang buong akala ng lahat pati na ng media ay dumalo ang mambabatas sa naunang pagdinig subalit nagtataka ang marami kung bakit hindi man lamang nagtanong ang lady solon.

Dahil dito, bagong matapos ang naunang hea­ring ay natanong na ang chairman ng kumite sa lady solon kung may gusto itong idagdag o itanong sa mga resource person.

Sa salaysay ng ating Amuyong, dito na nagsabi ang lady solon na andun siya para sa kanyang hearing na kasunod ng naunang pagdinig.

Mukhang na pressure daw tuloy ang chairman ng kumite at agad nang tinapos ang hearing.

Sino ang ating bida ngayon? Ang pangalan nya ay may letrang N as in Nanay.