Hindi umubra ang popularidad ng isang mambabatas sa grupo ng mga baguhang pintor na nagsusumikap pa lang gumawa ng pangalan sa industriya.

Nagtayo kasi ng art exhibit ang mga pintor at inanyayahan nila ang ilang mambabatas na bumisita para kilatasin ang kanilang mga obra maestro.

Natuwa naman daw ang ilang mam­babatas kaya bumili sila ng painting na naka-display sa hallway ng gusali.

Ginamit din daw ng mga pintor ang pagkakataon para makapag-selfie sa mga mambabatas na sumisilip sa kanilang exhibit.

Subalit nang duma­ting itong latecomer na mambabatas, nagbago ang mood ng mga pintor dahil mula sa pagiging masayahin ay nagmistula silang mga basang sisiw.

Eh paano ba naman kasi, tila hindi nagustuhan ng mambabatas ang mga ipinakitang painting sa kanya at sa halip ay pinangaralan pa sila.

Sa inis ng mga pintor, hindi na raw sila nakipag-selfie sa mambabatas bago ito lumayas sa exhibit.

Hulaan niyo na. Ang mambabatas ay may anak na konekta­do sa negosyo ng powe­r industry­. Kung siya ay se­nador o kongresista, hulaan niyo sa letrang L sa kanyang pangalan as in Lego.