Malaking ku­westiyo­n ngayon sa ating amuyong kung nag­kabati na ba ang dalawang solon na matagal nang nagkaroon ng hidwaan dahil sa usapin sa pulitika.

Eh kasi raw noong huling araw ng sesyon o bago mag-Lenten Break ang Kongreso, ay naki­tang nilapitan ng la­­laking mambabatas ang lady solon at panandaliang kinausap.

Sinalubong naman daw ito ng ngiti ng lady solon kahit na nauna na itong nagsabi na mahihirapan siyang patawarin ang kasamahan.

Sa mga nauna pa ngang pahayag ng mambabatas, sinabi ni­to na sa tindi ng hinanakit niya ay hindi na nito pinakikinggan ang kasamahan kapag nagsasalita.

Hindi nga rin daw niya ito matingnan sa tuwing sila ay magkakasalubong pero nang lapitan ito ng machong mambabatas ay parang natunaw ang galit sa ating babaeng bida.

Kaya ang tanong, na­dala na nga ba sa charm si Lady Solon?

Ang ating mga bi­da ay kapwa may N sa kanilang mga pa­ngalan as in no more away?