Napikon daw ang isang lady solon makaraang mabingi ito at akalaing tinawag na lola ng kasama niyang mambabatas.
Ang kuwento, sa pag-recognize sa mambabatas para sa kanyang sponsorship sa isang panukala, tinawag ang lady solon na “Godmother” ng isang organisasyon ng kanyang kasamahan.

Nakagawian kasi sa kapulu­ngan na bago i-recognize ang isang mambabatas ay bibigyan muna ito ng mga papuri.

Ang masama, akala ng ating bida sa halip na Godmother, ang kanyang pagkakarinig ay ­Grandmother.

Dahil dito, nakitaan ng pagkairita ang solon at hiniling na tanggalin sa record ng session ang statement ng kanyang kasamahan.

Gayunman, makalipas maliwanagan sa tunay na statement ay hu­mingi ito ng paumanhin at binawi ang kanyang mosyon.
Ang ating bida ay masyadong ­conscious sa kanyang hitsura at hindi humaharap sa tao lalo na sa mamamahayag na hindi maganda ang kanyang ayos.

Clue: Si Lady Solon ay may ­letrang ‘O’ sa kanyang pangalan as in ‘Oh, ang ganda talaga.’