Natatawang naiinis ang ilang mamamahayag sa isang lady ­solon dahil sa pagpapa-tweetums nito.

Ang kuwento, nakasalubong daw ng mediamen ang mamba­batas at nagulat ang mga ito nang bigla na lamang itong magsalita nang may paglalambing.

Salubong daw ng ating bida sa mga media na name-miss na niya ang mga ito dahil hindi na siya iniinterbyu.

Nagbulungan tuloy ang mga mamamaha­yag na ang problema sa lady solon ay kapag kailangan mong interbyuhin ay napakailap at palaging tumatanggi, animo’y binoboykot ang media.

Pero pinatunayan daw nang araw na iyon ng lady solon ang pagka-miss sa media dahil agad-agad itong nagpa-interview at walang pakialam anuman ang hitsura niya kahit naiipit na sa kumpulan ng mga mamamahayag.

Ang ating bida na kilala sa kanyang angking kagandahan at palagiang nakapostura ay may letrang ‘L’ sa kanyang pangalan as in ‘Love, love, love.’ (Dang Samson-Garcia)