Nagmistulang lutang at nawawala sa sarili ang isang lady solon nang minsang maispatan ng TONITE sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Bahagi na ng aktibidad sa plenaryo ng Kamara bago pormal na simulan ang sesyon ay ang regular na pagpapatugtog sa Lupang Hinirang na sinusundan ng pag-aalay ng panalangin sa Poong Maykapal.

Pero itong si Congresswoman imbes na tumigil sa paglalakad, tumayo ng tuwid at ilagay sa dibdib ang kanang kamay bilang pagbibigay pugay sa pambansang awit ay tila naging bingi at sumige lang sa pag­rampa.

Pinagtitinginan na ang kongresista su­balit dedma lang ito na patuloy sa pagla­lakad.

Gayung ang lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay nagbibigay-galang sa pambansang awit.

Dapat sigurong bu­malik sa elementarya ang congresswoman dahil bata pa lang ay itinuturo na ang dapat gawin kapag naririnig ang Lupang Hinirang.

Clue: Ang tila na­wawala sa sariling kongresista ay may mga kapatid na politiko. Sana nga lang ay hindi nila lodi ang kanilang ate.

Si Congresswoman ay may letrang A sa kabuuan ng pangalan as in ‘alang paggalang sa pambansang awit.