Sina Bernadeth Pons at Kyla Atienza ng FEU ang pinakamalaking tinik sa kampanya nina Desiree Cheng at Tin Tiamzon na maihatid ang La Salle sa ikalawang sunod na kampeonato ng UAAP beach volleyball.
Sa siklab ng Season 78 tournament sa Sands SM By The Bay mamaya, uumpisahan nina Cheng at Tiamzon ang back-to-back bid ng Lady Spikers laban sa tinalo nila sa kampeonato noong nakaraang season na Lady Tamaraws sa alas-otso. Sunod na asignatura ng DLSU sa alas-dose ang UP tandem nina Diana Carlos at Arielle Estranero.
Sasandal ang UST kina Cherry Rondina at new partner Jem Gutierrez, isasagupa ng Ateneo ang nagbabalik na si Michelle Morente at Ria Lao.
Hindi umabot sa Final Four ang Tigresses noong nakaraang season, hanggang third lang ang kinaya ng Lady Eagles kahit nasa unahan ng kampanya si Alyssa Valdez.