Lady Tams vs. Lady Falcons kasado

Mga laro bukas: (FilOil Flying V Centre)
4:00 p.m. — NU vs. AU 
6:30 p.m. — AdU vs. FEU

Kinalos ng FEU ang Lyceum 18-25, 28-26, 25-15, 25-17 para pumalaot na sa semifinals ng Premier Volleyball League Collegiate Conference.

Toka ng No. 2 sa Group A na Lady Tamaraws (4-1) ang No. 1 sa Group B na Adamson (5-0) na pahirapang iginapang ang 22-25, 25-23, 25-16, 21-25, 15-11 win laban sa San Beda sa isa pang game sa The Arena sa San Juan kahapon.

Top seed sa Group A ang NU (5-0), kaduwelo sa final four ang No. 2 sa Group b na Arellano (4-1).

Ramdam ng Lady Falcons ang pagkawala ng pambato nilang si Jema Galanza na napasama ang bagsak nang talunin ang St. Benilde noong Sept. 25.

Pipilitin niyang pumalo sa UAAP volley tournament para bago matapos ang collegiate career ay makapag-iwan ng magandang legacy sa Adamson.

“Ipu-push ko maglaro, kahit masakit go lang ako, makakalaro pa ako,” saad ni Galanza. “Gusto ko maganda ang last playing year ko.”