Mga laro ngayon (De La Salle Lipa Sentrum)
3:00 p.m. — Amy’s vs. Cignal
5:00 p.m. — Foton vs. RC Cola-Army
7:00 p.m. — F2 Logistics vs. Petron

Dalawang sunod lumuhod ang RC Cola-Army sa F2 Logistics Cargo Mo­vers, ibubuhos lahat ng Lady Troopers ang galit sa Foton Tornadoes sa se­cond round ng 2016 Philippine Superliga All-Filipino Conference women’s volleyball tournament na dadayo sa De La Salle Lipa Sentrum sa Lipa City nga­yong araw.

Lugmok ang RC Cola-Army sa F2 Logistics sa pagtatapos ng first round, kinabukasan ay muling yumuko ang Lady Troopers sa Cargo Movers sa umpisa ng second round ng liga na suportado ng Klab Cyscorpions, Mueller, Asics at Mikasa.

“F2 Logistics is such a young team and we know that we have no chance winning over them in a game like this,” ani Army coach Kungfu Reyes. “I think we just have to take it as a springboard to bounce back and win our remaining games in the eliminations.”

Lumanding sa No. 2 ang RC Cola-Army, nasa No. 4 ang katapat nila mamayang Foton.
Magsasabong sa main game ang top seed Cargo Movers at No. 4 Pet­ron Tri-Activ Spikers.

Kinaldag ng F2 Logistics ang Pet­ron sa first round kaya paniguradong nais din makabawi ng Tri-Activ Spi­kers.

“F2 Logistics is a serious conten­der. But we will give them a very good fight. We are the defending champions here and we will not go down without putting up a fight,” wika ni Petron head coach George Pascua.

Samantala, magsasalpukan sa classification phase sa alas-tres ng hapon ang Amy’s at Cignal.