Humaba ang hini­nga ng UE matapos patalsikin ang Adamson 48-45 sa UAAP Season LXXIX women’s basketball stepladder semifinals kahapon sa Mall of Asia Arena.

Hinabol ng Lady Warriors ang 15-point deficit para malaktawan ang first step-ladder match.

“We are blessed. ­Hindi sila bumibitaw,” wika ni UE coach Aileen Libornio.

Tumipa si Ruthlaine Tacula ng 11 points, ­kumana si Eunique Chan ng 11 markers at 11 ­rebounds para sa Lady Warriors.

Sunod na makakalaban ng UE ang twice-to-beat na De La Salle sa Miyerkules ng tanghali sa Smart Araneta Coliseum.

Naghihintay ang three-peat seeking NU sa best-of-three Finals matapos ang 14-game sweep sa eliminations.