Pinangangambahan ang lagim na maaaring­ maganap anumang oras sa lalawigan ng Sulu­ makaraang maraming residente ang umalis sa kani-kanilang mga bahay sa kapaligiran ng kampo­ ng 35th ­Infantry Battalion sa Sulu province kapanabayan­ ng pagpapalikas ng militar sa mga mamamahayag sa mas malaking kampo dahil sa anumang oras na pag-atake ng Abu Sayyaf.

Nasa mahigit 7,000 sundalo na ang nasa Sulu­ ngayon matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na durugin ang Abu Sayyaf.

Lagpas naman sa 1,000 pamilya ang nagsilikas sa nasabing bayan dahil sa kaguluhan habang abal­a naman si Gov. Totoh Tan sa kaligtasan ng mga ­refugees.