Ako si Ana. Dito ako nakatira sa Caloocan.
Gusto ko lang i-blind item ang kapitbahay kong laging naka-spu­ting. Pormang-porma lagi ang neybor kong tawagin na lang nating ‘Pabling’, may asawa at isang anak.
Kung magbihis, akala mo ay binata at laging may gimik.
Hindi ko sana mapapansin ang pormahan niya kung hindi namin siya nakita ng mister ko sa LRT na may kasamang ibang babae.
Bata pa ang bebot niya at obvious na dyowa niya ito dahil kung hawakan niya sa balakang ay parang may ilang ulit nang ‘nagaganap’ sa kanila habang ang babae nama’y luwa na ang dibdib at parang linta kung makakapit sa kanya na akala mo ay sabik na sabik at mara­ming perang mahihita kay Pabling.
Ang problema ko ngayon ay ito. Kaya naman pala mahaba na ang listahan ng utang ng misis ni Pabling sa tindahan namin at hindi ito mabayad-bayaran ay dahil iniisip kong nauubos ang pera ng ‘padre de pamilya’ sa pambababae niya at kakaporma.
Naaawa tuloy ako sa misis niyang si Marina, na bukod sa losyang na’y parang napapabayaan na rin at gusgusin ang nag-iisang anak nila.
Wala siyang kamalay-malay na habang busy siya sa gawaing bahay ay haling na haling naman ang babaero niyang mister sa malasutsot nitong bebot.

 Ana ng Caloocan

Kung kayo ay may kapitbahay na may kahanga-hanga, nakakatuwa, nakaka­asar o kapana-pana­bik na kuwento na gusto ninyong i-share dito ay sumulat na agad o mag-email sa ‘Kapitbahay mo, i-blind item mo!’ E-mail: kapitbahay.tonite@gmail.com.