Mga laro ­ngayon (Rizal Memorial ­Stadium)
3:00 p.m. — Ateneo vs. UST
5:00 p.m. — UP vs. FEU

Bawal kumurap ang apat na teams na magla­labu-labo mamaya sa Rizal Memorial Stadium sa knockout semifinals ng UAAP 79 men’s football.

Ang dalawang mananaig sa win-or-go-home semis ang magsasagupa sa one-game final sa May 14 sa Malate venue rin.

Toka ng top seed Ateneo ang No. 4 UST, asignatura ng No. 2 UP ang third-ranked FEU sa pangalawang laro.

Dinalawahan ng Eagles ang Tigers sa eliminations, 5-1 sa first round at 1-0 sa second.

Hindi naman apektado ang Tigers sa dalawang talo sa karibal, ayon kay coach Marjo Allado ay ibang level na raw ang semifinals. Isang laro lang, kaya dito magkakaalaman.

Nauwi sa scoreless draw ang bakbakan ng UP at FEU sa first round bago naitakas ng defending champion Fighting Maroons ang 1-0 win sa second.