Laguna highway murder

gun-and-bullet

Binistay ng bala ang isang negosyante ng ­hindi nakilalang suspek sa Barangay Dayap, Calauan, Laguna, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo ­Baccay y Balbin, 51, residente ng Barangay Ilaya sa naturang bayan.

Batay sa imbestigasyon, nakarinig ang mga residente ng mga putok ng baril sa highway kasunod ang sigaw at umiiyak na nagmamaka­awang lalaki. Ilang putok pa ang narinig at kasunod ay ang ugong ng sasakyang papalayo.

Nang siyasatin, nakita na lamang si Baccay na wala ng buhay at nakahandusay sa highway at ­naliligo sa dugo mula sa tinamong tama ng bala sa ulo.