Pasok sa listahan ng mga lugar sa Southeast Asia na may pinakamalinis na hangin ang 11 lungsod sa Pilipinas, at nasa tuktok nito ang Calamba City sa Laguna ayon sa isang pag-aaral.
Sa ginawang pagsusuri ng IQ AirVisual sa kalidad ng hangin sa iba’t ibang bansa, dinomina ng Pilipinas ang top 15 city na may malinis na hangin.
Pangalawa sa listahan ang Valenzuela City, Carmona City sa Cavite, Parañaque City, Davao City at Makati City.
Kabilang rin ang Maynila City na pangatlo sa listahan na sinundan ng Mandaluyong, Balanga City sa Bataan, Quezon City, at panghuli ang Las Piñas City.
Gayunman, napabilang ang Meycuayan sa Bulacan at Caloocan City sa 15 lungsod sa SEA na may polluted air.
Kaugnay nito, sa kaparehong pag-aaral na ginawa sa 73 bansa, rank 1 bilang pinakamalalang kalidad ng hangin at 73 naman bilang pinakamalinis, nasa ika-48 ang Pilipinas at kabilang sa kategorya ng moderate o katamtaman.
Nanguna sa listahang ito ang Bangladesh habang ika-73 o may pinakamalinis na kalidad ng hangin ang Iceland.
Ginawa ang pag-aaral batay sa batayan na PM2.5, isang particulate matter (ambient airborne particle), na umaabot hanggang 2.5 microns ang laki na maaring maging sanhi ng malawak na sakop ng maikli at pangmatagalang epekto sa kalusugan.