Todas ang tatlong miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) gang matapos makaengkuwentro ang mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Barangay San Francisco, Biñan, Laguna kahapon.
Ayon kay Police Sr. Supt. Glenn Dumlao, director ng PNP-AKG, bandang ala-1:40 ng hapon nang ikasa ang rescue operation sa isang kidnap victim na Indian national na si Anial Suhal sa Southwoods City.
Bago pa maganap ang abutan ng P20 milyon na ransom ay nagsimula na ang palitan ng putok ng baril sa pagitan ng mga pulis at mga suspek na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong ‘di pa nakikilalang suspek at nailigtas naman ang bihag na Indian.
Si Suhal ay dinukot noong Linggo sa nasabing lugar at kahapon ang itinakdang payoff.