Umapela si Presiden­tial Communication­ ­Office (PCO) Secretary Martin Andanar sa mga opisyal ng Energy ­Regulatory Commission (ERC) na magbitiw na sa puwesto upang hindi na madamay pa ang mga kawani ng komisyon.

“Nagbigay na ho ng stern warning ang Pa­ngulo, ang ibig sabihin niyan ay kung halimbawa ay hindi nag-resign iyong mga opisyal, ay idadamay niya lahat ng mga trabahador ng ERC at wala silang susuwelduhin,” paliwanag ni Andanar.

Nilinaw din ng opisyal na dati nang nakakuha ng impormasyon ang Palas­yo hinggil sa korapsyong nangyayari sa ERC.

“…kaya nga siya nananawagan na magbitiw na iyong mga kasalukuyang mga nakaupo. But then again, we understand they have their own mandate-fixed term yata iyong sa kanila.

Pero nag-request na po iyong pinakamataas na opisya­l ng bansa natin eh, na si­guro delicadeza na lang din,” dagdag ni Andanar.

Pero kung ayaw umanong magbitiw ng mga ERC officials ay karapatan nila iyon.

Ang korapsyon sa ERC ay sumingaw kasunod ng nangyaring pagpapatiwakal ng isang opis­yal ng ERC kamakailan.