PALABAN sumagot sa mga naughty question, at kaya nilang pag-initin ang katawang lupa ng mga nakikinig sa kanila, huh!

Ganyan ang mga paandar nina Rocco Nacino, Jak Roberto, David Borneo at Derrrick Monasterio. Iba ang sexual energy nila sa press payanig, ang init!!!

Si Rocco, na game agad sa kulitan, ang sabi. “Hanggang saan ba ang gusto niyong makita? Mag­huhubad na lang ako sa harap niyo. Hahaha! Young looking si Nacino sa kanyang suot na denim jacket, white under shirt at jeans. Alam na alam mong masaya siya nga­yon dahil nga may bago na itong iniirog.

Ang man of the moment na si Derrick Monasterio, ang pinakapalaban sa lahat. Ang lamang niya sa iba niyang kasamahan, “Ako ang pinakamatangkad, ako ang pinaka-bata, ako ang pinaka-juicy! Hahaha!”

Juice colored! Juicy ba kamo? Eh kamusta naman ang body part niyang pinakamabilis palakihin?

Pilyong tugon ni Mo­nasterio, “Lahat malaki sa akin walang maliit. Hahaha! Ano ba ang mabilis kong palakihin? Dibdib, kaunting pump lang, malaki na.”

Speaking of dibdib, pa­ra rin kay Derrick, ang sexiest part ng katawan niya ay, “Nipples ko. Kasi cute siya and hot at the same time.” At idagdag na nating pink ang mga ito at mabilis manigas. Hahaha.

Si Jak Roberto naman, ang body part na dapat pang ma-improve, “Legs ko. Kasi maliliit ang legs namin sa family ko. Best body part, siyempre abs.”

Sa personal pala, parang reserved itong si Roberto at laging seryoso ang mga sagot kahit sa mga pilyong tanong ng Diva that you love, pakiwari tuloy sa kanya, hihilata lang sa kama at ikaw ang magtatrabaho. Millennial Laila Dee? Hahahaha!

Ang bongga kina Mo­nasterio at Roberto, wa­lang isyu sa kanila ang tungkol sa pagsasama ni­na Derrick at Barbie Forteza sa mga proyekto.

Si Dave Borneo, baby faced na parang ang sa­rap-sarap kurutin at nanaisin mong siya ay pa­liguan at tapos polbohan sa mga body part na madalas magpawis. Bukas hanggang dibdib ang polo niyang may palm leaves print.

Para sa binata, ang best body part niya ay ang kanyang, “Triceps kasi mauumbok sila.”

Si Nacino, ang lamang sa mga kasama ay, “Ako ang pinakamatanda, pinaka-wise, mas matagal na sa industriya, I can give ideas on the spot.”

Speaking of Rocco, lalaban siyang muli sa isang jiu-jitsu competition.

Aktor matigas ang utong

ANG SM Cinema 7 sa Megamall, punong-puno at ta­lagang nagsisigawan ha­bang ipinapalabas ang Almost A Love Story, ang pelikula ni Direk Louie Ignacio kung saan bida sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Simple ang kuwento nina Baneng (Barbie) at Luigi (Derrick), dalawang­ magkaibigan mula sa mag­­kaibang bansa. Ang nanay ni Baneng (Lotlot de Leon) ang nagpalaki kay Luigi at dahil na rin sa mga modern means of communication, naging mag­kakila, magkaibigan hanggang sa dumating ang hindi sinadsadyang ‘feelings’ para sa isa’t isa.

Limang dahilan bakit ito kailangang panoorin sa higit na 95 na sinehan sa buong Pilipinas, ang pagkaganda-gandang Salento, Italy. Iba ang old warm charm nito, may mga torre, simbahang ma­gaganda, cobblestone streets, lumang mga bahay, malinis na karagatan at higit sa lahat, walang kalat sa kalye, parang walang basura, hindi yata uso ang alikabok sa lugar at dahil nga winter time, walang dudang laging closed ang pores mo sa lugar.

Siyempre pa, refre­shing ang OFW story kasi walang inaapi, pamilya ang turing ni Anna Capri kay Lotlot de Leon, parang second nanay pa nga para kay Iggy ang kanyang yaya. As expected, mahusay sina Capri at De Leon bilang dalawang Pi­lipinang nanay na naging magkaibigan at parang magkapatid na.

Best scene ni Lotlot para sa Diva that you love ‘yung pinagmamasdan niya ang mga larawan ni Baneng at alam mong ang growing up years nito, may lungkot na kinakaya kasi nga wala siya sa piling nito at ‘yung eksenang tinanong siya ni Baneng bakit ‘di na siya nag-asawa pang muli.

Best scene naman ni Anna, ‘yung biniro nito ang kanyang asawang Italiano na hindi na siya virgin nu’ng pinakasalan siya at ‘yung usapan nila ni Lotlot, na hinihimok niya itong subukang magka-banyagang kasintahan.

Siyempre, si Derrick Mo­nasterio ang ikatlong dahilan na so handsomely­ photographed. Gusto ko rin ‘yung mga kuha niya sa pelikulang parang wala siyang ka-make up, make up, lalo na ang kanyang super extreme close ups. Walang duda na may bagong leading man na talagang mamahalin at pag-aagawan.

Acting wise, he was able to deliver what was needed, magaan ang katauhan ni Luigi, may pagkapilyo, artist at convincing si Monasterio in pulling him off.

At siyempre pa, sa ek­senang he pulled off his garments para tumalon sa malamig na tubig dagat, ay palong-palo ang katawang pangromansa ng binata. Alam mong maginaw talaga sa lugar kasi tigas na tigas ang mga utong niya, huh!

As expected, Barbie Forteza bilang Baneng did not disappoint. Makikita mo talaga sa pelikula ang husay niya bilang aktres.

Mukha siyang 14 years old sa movie pero ang kanyang mga emosyon, pang-dalagang-dalaga na. Dama mo ang kilig, lungkot, pagtataka at ligayang pinagdaanan ni Baneng.

Best scene ni Barbie, ang kanyang mga I woke up like this moment ‘pag ka-video chat niya si Iggy, ‘yung eksenang akala niya na hindi makakauwi ang nanay niya sa Pasko at ‘yung mga huling eksena niya sa pelikulang may haplos at tama talaga sa puso.

Ang best reason to watch the movie, ang twist nito. ‘Pag nag-unfold na ang twist, kakaloka! Panoorin ang Almost A Love Story, let us give this movie a chance.