Naging kontrobersyal na naman ang dati nang kontrobersyal na sexy ­actress at ngayon ay super sikat na blogger na si Mocha Uson na nauna nang itinalagang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ito ay matapos na itala­ga itong Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Marami ang ­nagtaas ng kilay sa ­appointment ni Mocha sa PCOO lalo na’t tinawag nitong ­“presstitute” ang ilang miyembro ng media.

Pero sabi nga ng Pangulo na hiniram ang pinasikat na salita ni dating ­Pangulo at ngayo’y Manila ­Mayor Joseph “Erap” Estrada, weder-weder lang ‘yan.

Dahil weder ni ­Mocha ay hindi na dapat pang ipagtaka ng mga kritiko ng gobyerno ang gina­wang appointment dito sa gabinete.

Ibig sabihin ng ­kanyang appointment ay sampalataya sa ­kanya ang Pangulo as in “taas-­kamay” sa kanyang ­kakayahan.

Sabagay ikaw ba naman ang magkaroon ng pitong milyong ­followers aba’y ganu’n ka talaga ­kalawak.

Katulad nga ng sinabi ni Mocha ang magiging papel n’ya sa gobyerno ay maging tulay sa communication gap sa pagitan ng ordinaryong mga mamamayan at sa gobyerno at labanan ang fake news na kumakalat sa social ­media.

“Ang ating pong tutu­tukan sa PCOO ay ang mailapit ang mga ordinar­yong Pilipino sa pamahalaan sa pamamagitan ng Social Media. At ma-idiretso ang TAMANG BA­LITA sa ating ­kababayan sa pamamagitan ng ­SOCIAL MEDIA,” ­ayon sa post ni Uson sa ­kanyang Facebook page at Mocha Uson Blog.

Dahil sa ­appointment ni Mocha lalo lamang ­pinatunayan ni ­Pangulong Duterte na lahat ay maa­ring bigyan ng pagkaka­taon, ng tsansa.

Pero sana ay gamitin ng tama ng mga katulad ni Mocha na nabigyan ng tsansa ni Pangulong Digong na makaagapay sa pagsisilbi sa bayan ang ­ibinigay sa kanilang oportunidad dahil bibihira ito dumating sa buhay ng isang tao lalo na ng isang katulad ni Mocha na alam naman nating lahat kung saan nagsimula pero ­dahil bright nga ito at articulate ­ayon sa Pangulo ay walang dahilan para ­hindi ­pahintulutang makapag­lingkod sa ­bayan.