Lahat ng senior citizen magkaka-pension — Grace Poe

Oras na muling mahalal sa Senado, isusulong ni Senador Grace Poe ang panukalang batas upang mabigyan ng pensyon ang lahat ng mahihirap na senior ci­tizen sa bansa.

Ito ang ipinangako ni Poe sa mga residente ng Bayambang, Pangasinan nang mangampanya ito kahapon, Mayo 7, kasama ang aktor na si Coco Martin ng ‘Ang Probinsyano’.

“Ngayon, sa mga senior citizen naman, ipinapaalala sa akin ni Lola Flora, “Grace, ‘wag mong kakalimutan ang mga senior ha.” Kaya kung manalo akong muli bilang senador, ipapanukala ko na lahat ng seniors na mahihirap, dapat mayroon nang pensyon,” wika ni Poe.

Pinagmalaki din ng senador ang mga batas na kanyang iniakda na mapapakinabangan na ngayon, tulad ng libreng bayarin sa dokumento ng mga first-time job seeker, at ang libreng pananghalian sa mga mag-aaral.

“Nakita naman ninyo, ang magagandang balita na sinabi ko sa inyo, na sa darating na pasukan, lahat ng mga batang walang pagkain, kulang ang timbang at kulang ang nutrisyon, libre na ang pananghalian sa lahat ng public schools,” saad ni Poe.

Nakiusap naman si Poe sa mga Pangasinense na suportahan ang kanyang kandidatura, lalo pa’t wala siyang kinaaanibang partido o makinaryang gagalaw sa darating na halalan.

“Ngayon, sa aking mga kababayan, hihi­lingan ko kayo ng tulong kasi alam po ninyo, independent po ako, wala akong partido. Mara­ming salamat na lang kay mayor na kanya akong tinanggap dito; kasi naman, kababayan ninyo ako.