Lahat ng tanggapan, gusali ng gobyerno lagyan ng solar panel — Recto

Lahat ng tanggapan, gusali ng gobyerno lagyan ng solar panel — Recto

Para matipid sa gastos sa kuryente, itinutulak ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang panukalang kabitan ng solar energy system ang lahat ng gusali at tanggapan ng gobyerno.

Sa Ilalim ng Se­nate Bill No. 48 I Solar Ener­gy in Nationa­l Go­vernment Offices Act, dapat maglagay ng solar e­nergy system na may kapasidad na 50% ng electric power requirements ang mga tanggapan ng gobyerno sa loob ng limang taon.

Sa ilalim ng panu­kala, sa unang taon ng pagpapatupad nito dapat ay makapag-supply ng 10% ng power supply sa lahat ng tanggapan at gusali.

Magdadag ito kada taon sa loob ng limang taon hanggang sa maabot na ang kapasidad nito ng 50% power requirements.

Magsisimula ang kons­truksiyon ng solar energy system, 60 araw matapos maisabatas ang panukala.

Ang gastos ay kukunin sa bawat ahensiya ng gobyerno at ang susunod na funding requirements ay isasama naman sa Gene­ral Appropriations Act (GAA).
Magkakatuwang ang Department of Public Works and Highways at Department of Energy sa pagkakabit ng solary energy system.

“Solar energy systems do not require extraction activities like large-scale mining or drilling which bring about negative environmental impacts,” paliwanag ni Recto.

“It does not gene­rate Greenhouse Gase­s such as carbon and methane nor emit particulates that are the bane of fossil fuels,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)