Lahat paliguan ng alcohol — Yeng

Sang-ayon si NLEX coach Yeng Guiao sa desisyon ng PBA Board na kanselahin ang mga laro ng Philippine Cup para makaiwas sa coronavirus.

Unang naapektuhan ang desisyon na kinumpirma noong Miyerkoles ang double-header sa pagitan ng TNT-Phoenix at NLEX-NorthPort sa araw ding iyon sa Smart Araneta Coliseum.

Kinunsidera ng PBA ang closed door games, pero ini-scratch din dahil 300-400 katao pa rin ang involved sa laro.

Iba ang pananaw ni Guiao.

“Iyong 300 to 400 people na iyon, iba iyon sa audience,” paliwanag niya.
“Kasi iyong audience wala kang control. ‘Di mo alam kung saan nanggaling iyon, ‘di mo alam kung anong ginawa non. Ngayon iyong 300 to 400 na tao, sabihin mo na 50 iyong sa team ko, 50 sa kalaban, puwede iyon kasi binigyan nila ng protocol per team.”

May assurance daw ang mag-kabilang team na sumailalim sa protocol.

“Iyong sa media, siyempre meron din kayong protocol so dadaan din kayo doon. TV5 kung 100 sila, meron ding ganon,” dagdag ng coach.

“Iyong PBA office under control din iyan, puwede mong ipa-check, pag-alcoholin iyan. You have that control over 300-400 people. That is a controlled environment where there is somebody who is always responsible for that group.”

Ang hindi raw kontrolado ay ang audience.

“But since iyong audience tinanggal mo na, everything that you will now place in the venue, pati venue staff sasabihan mo, ‘We have a health protocol, sumunod kayo,’ now you can play under a controlled environment,” wika pa ni Guiao.

Pero nilinaw ng coach na agree siya sa desisyon ng PBA.
“Of course, we will defer to the wisdom of the Board and the commissioner,” aniya. (Vladi Eduarte)