Kahit may kabigatan ang dala, ­nakipagsaba­yan pa rin si top favorite Lakan sa largahan upang sikwa­tin ang titulo sa 2017 PHILRACOM “4th Leg Four-year-Old Local & Above Stakes Race” kahapon sa Metro Turf, Malvar-Tanauan, Batangas.

Sakay ang 57 kgs., lumundag sa unahan si Lakan paglabas ng aparato pero binuliglig agad ng matutuling sina Messi at Blue Berry.

Bahagyang ibinigay ni class B rider Dodong Villegas ang unahan kay Messi pero ulo lang ang pagitan.

“Tutal nasa balya naman ako kaya hinayaan ko na makuha ni Messi ang bandera pero pinaharipan ko siya kasi lamang ako sa puwesto,” ani ­Villegas.

Sa huling tatlong daang metro kinuha na ng winning horse ang una­han at si Blue ­Berry ang kanyang kaagaw pero hindi nagpatalo si Lakan.

Tinawid ni Lakan, pag-aari ni ­Mandaluyong mayor Benhur ­Abalos, ang meta sa ­tiyempong 1:37 sa ­1,600-meter race para ibulsa ang P300,000.

Nagkasya si ­Messi sa second prize na P112,500, inuwi ng tumer­serong Blue Berry ang P62,500.