Lakan

Napupunto talaga itong kabayo ni dating Mandaluyong Mayor Benhur Abalos Jr. matapos manaig sa ikaapat na leg ng Philracom 4YO & Above ­Local Stakes Series noong Linggo sa MetroTurf Racing Complex.

Kahit may mabigat na pesong 57 kilos, hindi nahirapan ang hineteng si AR Villegas na maihatid sa finish line si Lakan at mapanalunan ang top prize na P300,000 at tropeo.

Segundo si Messi ni Atty. Narciso Morales para makuha ang P112,500, tersero at quarto sina Blue Berry ni Mayor Eddie Dimacuha at Manalig Ka ni Hermie Esguerra na nabigyan ng P62,500 at P25,000.

Maganda ang naiuwing premyo ng iba pang nanalong kabayo nitong weekend — Sabado at Linggo — sa MetroTurf dahil lumagpas sa guaranteed P120,000 ang para sa mga nanalo at nag-total pa ng P122,910. Ang segundo’y nagkamit ng P46,091, tersero’t quarto ay P25,606 at P10, 242.

***

Napanalunan ni Gene Sison ng The Turf ­Company ang ikatlong edisyon ng Plaridel Golf Tournament noong Biyernes sa Wack Wack Gold & Country Club sa Mandaluyong.

Naka-score si Sison ng gross na 72, si Dino Datu ay umiskor ng net 68 para manalo ng Low Net sa pantaunang palaro ng Association of ­Philippine Journalists – Samahang Plaridel Foundation.

Ang iba pang nanalo ay sina Ariel Javiloza sa Class A, pangalawa si Zaldy Carpeso. Sa Class B, kampeon si Paolo Legaspi, pangalawa si Roland Lallana.  Top 2 sa Class C sina Danny Dunca at Ray Enano, si Cora Aguinaldo ang Ladies champion.

Kasama ni Samahang Plaridel president ­Rolando Estabillo sina Roland Schissau, deputy head of mission ng German Embassy, at Comelec spokesperson James Jimenez sa ceremonial tee off.