by Mina Aquino

Dahil sa inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko ngayong Kapaskuhan, muling binuhay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang programang ‘Lakbay Alalay’.

Ang Motorist Assistance Stations ay ipatutupad hanggang Enero 2, 2019 na sinimulan noong Disyembre 21, 2018 na ipapakalat sa iba’t ibang lokasyon sa buong bansa upang tulungan ang mga road user.

Kasabay nito, inatasan ni DPWH Secretary Mark Villar ang lahat ng ­regional directors at district engineers sa buong bansa na magpakalat ng mga tauhan na magmamando nito, panatilihing gumagana ang lahat ng sistema ng komunikasyon at maging handa upang magbigay ng mga emergency service sa mga motorista at mga naglalakbay na publiko.

Bago pa man dumating ang ganitong panahon, ang district engineering offices sa Western Visayas ay regular na nagsasagawa ng routine maintenance kasama ang carriageway at roadside upang matiyak na maalis ang mga hadlang na maaa­­ring makaapekto sa daloy ng trapiko.

Nakikipag-ugnayan din ang DPWH sa Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police (PNP), at local government units (LGUs) upang matiyak ang kaligtasan ng mga manlalakbay ngayong Kapaskuhan.