Nagsimula sa ovation ang unang gabi ni Anthony Davis sa Los Angeles sapul nang mag-umpisa ang trade deadline, umaasa pa rin ang Lakers fans na isusuot din niya ang purple-and-gold ng team balang araw.
Natapos ang laro na nasa bench ng New Orleans ang All-Star, hindi nasabayan ng Pelicans ang isa pang superstar na una nang tumawid sa LA noong July.
Tinapos ni LeBron James ang kanyang 33-point performance sa one-legged, fall-away 3-pointer para itulak ang Lakers sa 125-119 panalo Miyerkoles ng gabi.
Naligtasan ng Los Angeles ang matikas na laro nina Davis at Julius Randle.
Kumana ng 35 points si Randle laban sa dating team.
Nagsumite ng 22 points at 8 rebounds si Davis sa first three quarters, mainit na sinalubong ng Lakers fans na sumubaybay sa paghahabol ng Los Angeles sa superstar forward. Natapos ang trade deadline ay hindi nabingwit ng Lakers si Davis kaya nanatili ito sa New Orleans.
Pero nakaupo na naman siya sa fourth quarter, nirendahan ang kanyang minuto. Dalawang big shots ang kinana ni James sa final 2:18 para ipreserba ang panalo.
“It was tough not to be on the floor, especially in crunch-time situations,” lahad ni Davis, 21 minutes lang naglaro. “But they battled. They hit some tough shots toward the end. It was just tough not being on the floor.”
Umaasa pa rin ang Lakers fans na makakatanggap sila ng good news sa July.