Lakers pinapatay ang oras sa group chat

Nasa bahay-bahay lang ang players ng Lakers, tulad ng lahat ng ibang teams sa NBA.

Doon lang sila habang hindi pa humuhupa ang banta ng coronavirus na dahilan ng pagsuspinde sa nalalabi pang season.

At tulad ng ibang magkakagrupo o magkakaibigan, siyempre may group chat din sila.

Dito nagkukumustahan, nagkukulitan.

“Yeah, we have a group chat. We all check in daily with each other, especially now,” ani Danny Green kay Lakers reporter Mike Trudell.

Dati aniya ay nagkikita pa sila sa gym, kahit one-on-one ang workouts ay nagkakawayan naman. Hindi naglalapit, pero nagkikita.

Ibinawal na rin ng NBA kahit ang one-on-one sessions sa gym, hanggang social media lang muna sila.

Dalawang Lakers players ang positibo sa COVID-19, pero hindi pa pinangalanan.

Si LeBron James ayon sa marami ang isa sa pinakamakulit sa group chat.

“I’d have to say LeBron, JaVale (McGee), Duds (Jared Dudley) and Kuz (Kyle Kuzma),” sagot ni Green nang tanungin kung sino ang most entertaining sa group.

“We have a pretty good group of guys that are active and entertaining within the grou chap. There’s some funny stuff, but that’s probably my top four that are the most active.” (VE)