Lalaki dedo sa kuryente sa Cavite

Buwis-buhay ang isang 42-anyos na biktima makaraang makuryente habang pinuputol ang sanga ng puno sa Cavite kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Joselito Burinaga Pirante sanhi ng pagkasunog ng mga internal organ matapos makuryente sa taas ng puno.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Gen Tria­s CPS, dakong alas-7:30 ng umaga nang maatasan ang biktima na putulin ang sangang sumasayad sa linya ng kuryente gamit ang steel ladder sa Cavite Pig City sa Sitio Kiko Rosa, Barangay San Francisco, General Trias Cavite.

Napansin na lang umano ng kasamahan ng biktima na si Rolly Flores na hindi na ito sumasagot sa pag-uusap nila at nang tingalain ay wala na itong malay, kaya’t kinalog niya ang puno hanggang mahulog ang biktima na wala nang buhay.