Lalaki lalong minalas sa nakapkap na shabu

arrested

Dahil dito, nadagdagan pa ng kasong paglabag sa Section 11 (possession of dangerous drugs) ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ngayon ng 45-anyos na suspek na si Allen Poticar y Nuncio, tubong-Cebu City at naninirahan sa Rosal St., Lakeview Homes, Brgy. Putatan, ng nasabing lungsod.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District, nadakip ng mga tauhan ng Police Community Precinct 2 ng Muntinlupa City Police ang suspek sa lugar kung saan ito naninirahan dakong alas-11:30 ng umaga.

Kinapkapan ang suspek at dito nakumpiska umano sa kanya ang isang selyadong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Dahil dito, kaagad na inaresto ng mga pulis ang suspek at binitbit patungo sa himpilan ng pulisya.

Nakakulong ngayon ang suspek sa detention cell ng Muntinlupa City Police at sumasailalim sa masusing imbestigasyon.