Lalaki na nagtodo walwal kalaboso

Teenager na runner ng droga nadakma

Matapos takasan at hindi bayaran ang ininom at pinulutan sa isang videoke bar, isang 26-anyos na lala­ki ang kalaboso matapos mahuli sa Barangay 16, San Nicolas, Ilocos Norte noong Sabado nang hapon.

Kinilala ang suspek na si Mark Anthony Campus, ng Brgy. 8, San Rufino na nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng San Nicolas Police Station (SNPS), pumunta sa videoke bar sa Brgy. 16 ang suspek at umorder nang umorder ng maiinom at pulutan sa waiter.

Sinabi ng SNPS na noong medyo lasing na ang suspek ay bigla itong lumabas ng bar na hindi binayaran ang ininom at pinulutan na umabot sa P2,800.

Ngunit sa kanyang pagtakas at pagsakay sa kanyang tricycle ay namataan ito ng ­cashier na si Dominador Cabanse, 20, ng Brgy. 7,

Agad na humingi ng tulong sa mga kasamahan ang cashier hanggang sa maabutan at dalhin sa SNPS ang suspek.

Nakakulong ngayon si Campus ngunit na­ngako itong aasikasuhin niya ang kanyang atraso sa nasabing videoke bar. (Allan Bergonia)