Isang 41-anyos na mister na may sakit na diabetes at tuberculosis ang nagbigti sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan kamakailan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Armando Tangco, may-asawa, drayber ng Barangay Kaypian ng nasabing lungsod na wala ng buhay matapos madiskubreng nakabigti sa kanyang tinitirhan bunga ng matinding karamdaman ala-una ng hapon ng kanyang kamag-anak sa kanyang tirahan sa Barangay Kaypian, San Jose del Monte City.
Nabatid na bago natagpuang patay ang biktima ay idinadaing nito ang kanyang mga sakit na nagpapahirap sa kanya at maaaring ito ang dahilan kaya winakasan na nito ang kanyang buhay.