SANTA ROSA, Nueva Ecija — Labis na pagmamahal ang nagtulak sa isang lalaking mamaril habang kinakaladkad ang nililiyag noong Martes ng gabi sa Brgy. Soledad.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Jeffrey Alivia kinilala ang suspek na si Deal Mendez alyas ‘Allan’ tubong Ibahay, Aklan.

Nabatid na dakong alas-7:30 ng gabi dumating si Mendez sa tahanan ng mga biktimang sina Ricky Fernando Agustin at Ricky Agustin Luces at bigla umanong kinaladkad ang nililigawang si Daisylin Pallada Popes, 29 at live-in partner ni Agustin.

Nang komprontahin si Mendez ay bigla na lang itong namaril at doon tinamaan sa hita at katawan ang dalawang biktima at saka mabilis na tumakas at ngayon ay nahaharap sa kasong frustrated homicide.