Lalaki sa Quezon nagpatiwakal

Nagpatiwakal ang isang 20-anyos na binata sa Infanta, Quezon matapos itong mabigo at hindi makapasa sa Armed Forces of the Philippines (AFP) examination.

Kinilala ang biktima na si John Alex Sanchez, residente ng Purok Dungon, Barangay Binonoan, Infanta.

Batay sa report ng pulisya, bandang alas-otso ng umaga nang matagpuan ang katawan ng biktima na nakabitin sa isang punong hindi kalayuan sa kanilang tahanan.

Ayon sa tatay ng biktima, nagkaroon umano ng depression ang anak niya buhat nang mabigo ito sa exam at posible rin umanong dinamdam ng mapagsabihan itong tumulong naman sa mga gastusin sa bahay dahil siya ang panganay.