Patay ang isang lalaki makaraang ito’y aksidenteng mahulog sa kanal sa Barangay Sta. Cruz, Alitagtag, Batangas kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Alitagtag police ang biktima na si Ronald Hernandez y Punzalan, 55-anyos.

Batay sa report ng pulisya, umaga na umano nang mapansin ng mga residente sa lugar ang walang buhay na katawan ng biktima sa ilalim ng kanal.

Hinala ng mga imbestigador, posibleng umanong nahulog ang biktima sa kanal at marahil ay ‘di napansin ang bukas na kanal dahil sa may kadiliman ang lugar at aksidenteng tumama ang ulo nito sa matigas na parte na siyang naging dahilan ng agarang kamatayan nito.