Lalaki todas habang katalik ang kulasisi

By Allan Bergornia

Patay ang 43-anyos na lalaki habang nakikipagtalik sa isang babae matapos itong atakihin sa puso sa loob ng lodging house sa Brgy. Kauswagan, Carmen, Cagayan de Oro noong Biyernes.

Kinilala ni Carmen Police Station (CPS) investigator P/Staff Sgt. Hernan Abalde ang biktimang si George, ng Brgy. Patag, ng nasabing bayan.

Samantala, pinaghahanap ngayon ng CPS ang babaeng katalik ng biktima upang malaman ang tunay na pangyayari.

Sa imbestigasyon, Abril 24 pa ay hinahanap na ang biktima ng kanyang kinakasama dahil hindi ito makita.

Hanggang sa nag-report ang isang room boy attendant sa CPS na may natagpuang bangkay sa isang kuwarto ng nasabing lodging house.

Dito nakitang hubo’t hubad at biktima sa kama at mayroong nakitang sex enhancement drugs sa lamesa malapit kay Mendez.

Pinaniniwalaan ng mga medical expert na namatay sa cardiac arrest si Mendez habang nagtatalik kasama ang babae.

Gusto umanong malaman ng live-in partner ng biktima kung sinong babae ang kalaguyo nito na posibleng siya ang dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Patuloy ang ginagawang follow-up investigation hinggil sa insidente.