Basag ang bungo at halos magkalasog-lasog ang katawan ng isang 42-anyos na lalaki nang tumalon ito sa flyover at nakaladkad pa ng pampasaherong bus sa North Luzon Expressway (NLEX) sakop ng Barangay Unang Sigaw, Quezon City, Martes nang gabi.

Ang biktima ay si Romy (‘di tunay na pa­ngalan), taga-Antipolo Rizal.
Sa inisyal na report ng Quezon City Police District, alas-3:00 nang hapon kahapon nang mangyari ang insidente sa Camachile flyover.

Ayon sa mga saksi, bago ang insidente ay nakita nilang palakad-lakad at tila wala sa sarili si Romy.

Nagulat na lamang sila nang bigla itong sumampa sa flyover at tumalon. Pagbagsak sa semento ay nakaladkad pa ng hamaharurot na Five Star bus ng may ilang metro ang layo ang biktima.

Dahil dito ay nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar. (Dolly Cabreza)